Nasungkit ng kinatawan ng Barangay Lucbuan ang titulo at korona ng Binibining Seksi 2024 ngayong gabi, Sabado, Marso 2.

Mula sa labing-apat na kandidata, naiuwi ni Bb. Roviery Ann Gonzaga ang kalakip na cash prize at korona.

Itinanghal namang Runners Up sina Bb. Allen Joy Santiago ng Bgy. Sicsican at Bb. Rezzie Kaye Orleans ng Bgy. Tagumpay.