August 22, 2026

20 establisyemento sa lungsod, binigyan ng ’15-days to comply’

20 establisyemento sa lungsod, binigyan ng ’15-days to comply’

Photo Courtesy | PIA Palawan

PALAWAN, Philippines — Pinaalalahanan ng Social Security System (SSS) – Puerto Princesa Branch ang nasa dalawampung mga establisyemento sa lungsod upang i-comply ang kanilang mga kakulangan pagdating sa kontribusyon ng kanilang mga manggagawa sa nasabing ahensiya.

Sa ulat ng Philippine Information Agency (PIA) Palawan, isinagawa ang Run After Contribution Evaders o RACE ng SSS nitong araw ng Martes, Marso 26, 2024.

Ayon sa news arm ng gobyerno, binigyan ng labinlimang (15) araw na palugit upang tupdin ng mga business owners ang kanilang mga obligasyon sa nasabing ahensya.