Ni Marie F. Fulgarinas

Nagluluksa ngayon ang buong puwersa ng Philippine Navy sa pagpanaw ng dalawang pilotong lulan ng training helicopter na naaksidente sa Cavite City kaninang umaga, Huwebes, Abril 11.

โ€œThe Philippine Navy mourns the passing of Lt. Jan Kyle Borres and Ensign Izzah Leonah Taccad in the recent tragic crash of one of our naval aircraft in Cavite City on Thursday,โ€ pahayag ng ahensya.

Isinapubliko ng Philippine Navy ang pagkakilanlan ng dalawang fallen heroes na binawian ng buhay nang masangkot sa tragic crash ang mga ito habang nagsasagawa ng air training kaninang umaga.

Dagdag dito, nagpaabot na rin ng pakikiramay ang pamunuan ng ahensya sa mga naulilang pamilya ng dalawang piloto.

โ€œWe pray for comfort and strength to surround the families and loved ones of Lt. Borres and Ensign Taccad during this time of profound grief and loss,โ€ pahayag ng ahensya.

Author