August 21, 2026

TESDA Prov’l Training Center sa bayanb ng Roxas, pinasinayaan na

IMG_20230531_092917

PHOTO//PIA PALAWAN

PORMAL nang pinasinayaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang ipinatayong Provincial Training Center sa Bgy. Magara, Roxas, Palawan, ngayong araw ng Martes, ika-30 ng Mayo, batay sa ulat ng Philippine Information Agency (PIA) Palawan.

Sa Facebook post, sinabi ng ahensya na pinangunahan ni TESDA Director General Secretary Danilo P. Cruz ang inagurasyon ng nasabing gusali.

Sinabi rin ng ahensya na ang ipinatayong training center ay pinondohan ng mahigit 5.4 milyong piso ng mismong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).