PALAWAN, PHILIPPINES – UPANG mailapit sa mga Senador ang mga programang isinusulong ng bayan ng Narra, personal na tumungo sa Senado si Municipal Mayor Gerandy “Noty” Danao kasama si Executive Assistant at Acting Municipal Administrator Jojo Gastanes upang personal na makausap si Senadora Cynthia Villar.
Sa Facebook post ni Danao, layunin ng pagbisita sa opisina ni Villar na mailapit at matulungan ang mga magsasaka sa bayan ng Narra na kasalukuyang may mga kinakaharap na problema partikular na ngayong tag-init bunsod ng El Niño Phenomenon.
Agad namang tumugon ang senadora sa naturang kahilingan at nangakong tutulong sa mga magsasaka ng nasabing munisipyo lalo pa’t siya ang may may hawak ng Committee on Agriculture.
Matatandaang, nagkaroon din ng pormal na pag-uusap ang grupo ni Mayor Danao kay Senador Dela Rosa nitong Mayo 15, 2024.