Photo Courtesy | Bataraza Public Information

PUERTO PRINCESA CITY — Ang Municipal Government of Bataraza at Prime Dialysis Center ay lumagda sa isang kasunduan para sa pagtatayo ng proyektong Dialysis Center sa naturang munisipyo.

Ayon sa Bataraza Public Information, ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ay isinagawa noong ika-15 ng Mayo sa Shangrila Plaza, Lungsod ng Mandaluyong.

Sa buwan ng Hunyo, sisimulan ang konstruksyon nito na inaasahang magbibigay ng libreng serbisyong medikal sa mga residente.

“Ang Dialysis Center Project na ito ay itatayo sa Munisipyo ng Bataraza at magbibigay sa ating mga mamamayan ng libreng serbisyong medical.

Inaasahang magsimula ang pagtatayo ng Dialysis Center sa buwan ng June at magsisimula ang operasyon ngayong taon,” ayon sa Bataraza Public Information.