Photo courtesy | Bataraza Public Information

Ni Marie Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Dinagsa ng mga manonood ang unang gabi ng selebrasyon ng Pinya Festival nitong gabi ng Lunes, Hulyo 15, 2024, kung saan tampok sa grand opening ang natatanging pagtatanghal ng bandang Hale.

Malaya namang nakisabay ang manonood sa mga sikat na awiting “Kung Wala Ka”, “The Day You Said Goodbye”, “Sandali Na Lang”, at “Blue Sky”.

Ang concert ng Hale Band ay handog ng Lokal na Pamahalaan ng Bataraza, Rio Tuba Nickel Mining Corp., Nickel Asia Corp., at Coral Bay Nickel Corporation.

Author