Photo courtesy | City Police Office

Ni Marie Fulgarinas

Mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree Number 1602 o Illegal Cockfighting ang walong mga kalalakihan sa Purok Pagkakaisa sa nabanggit na barangay nitong araw ng Linggo, Hulyo 21.

Sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Office, aktuwal na naabutan sa lugar ang mga kalalakihan habang nagsasagawa ng iligal na tupada na kung saan nakumpiska sa mga ito ang isang โ€œwounded fighting cock with gafferโ€, dalawang (2) tari o gaffer, at salapi na nagkakahalaga ng kabuuang 2,370 Philippine pesos.

Author