Photo courtesy | Aborlan mps Pcr

PUERTO PRINCESA CITY — Arestado sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Aborlan MPS, PIU-Palawan PPO, at Quezon MSBC-Narra MLET ang suspek na si alyas “Roy”, binata, residente ng Barangay Gogognan, nabanggit na bayan.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Arlene Bayuga Guillen, Presiding Judge ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 13 ng Lungsod ng Puerto Princesa na may petsang ika-22 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Ayon sa Aborlan Municipal Police Station, si alyas “Roy” ay inaresto para sa krimen ng Statutory Rape sa ilalim ng artikulo 266-A, Paragraph 1 (D) ng Revised Penal Code na sinusugan sa pamamagitan ng RA 11648, na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case Number 44081 na walang inirekomendang bail bond.

Ang suspek ay No. 1 most wanted person Provincial level at rank 3 municipal level. Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng Aborlan MPS para sa kaukulang disposisyon.