PHOTO//MAYOR EMIL NERI FACEBOOK PAGE

Ni Ven Marck Botin

MAGKAKAROON na ng maayos na kalsadang magkokonekta sa dalawang (2) barangay sa bayan ng Linapacan, Palawan.

Sa Facebook post, ibinalita ni Mayor Emil Neri ang pagbubukas ng kalsada na kung saan ay malaki ang maitutulong sa mga mamamayang naninirahan sa lugar.

“Habang papalapit tayo sa mga barangay ng San Nicolas at Maroyogroyog, medyo pahirap din nang pahirap ang mga dinadaanan ng ating mga kasama sa road link opening project. Pero laban lang!”, saad ng alkalde.

Dagdag ng alkalde, sa darating ika-12 ng Hulyo ay papasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Linapacan ang opisyal na pagbubukas ng San Miguel at Maroyogroyog Road Link.