Photo courtesy | Coast Guard Station Eastern Palawan

Ni Marie Fulgarinas

Naka-heigtened alert na ang ibaโ€™t ibang istasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bansa at lalawigan ng Palawan sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong balik-eskuwela 2024 simula nitong Hulyo 27 hanggang ika-3 ng buwan ng Agosto.

Mahigpit na ipinatutupad ng ahensya at Kagawaran ng Transportasyon ng Pilipinas o Department of Transportation – Philippines (DOTr) ang Oplan Biyaheng Ayos: Balik Eskwela para sa maayos na seguridad ng mga mananakay at mga pampublikoโ€™t pampribadong establisyemento.

Dagdag dito, activated na rin ang โ€œDOTr Malasakit Help Desksโ€ sa bawat pantalan sa bansa.

Samantala, sa oras ng emerhensiya, maaaring makipag-ugnayan sa mga istasyon at Sub-Stations ng Coast Guard Palawan sa pamamagitan ng kanilang official hotline numbers.

Narito ang mga sumusunod na numero ng bawat kinauukulan: Coast Guard Station Eastern Palawan, 0930-095-7283; Coast Guard Sub-Station Agutaya, 0981-564-9100; Concepcion, 0965-495-2854; Algeciras 0927-133-8421; Manamoc 0981-286-3639; Cagayancillo, 0907-816-3935.

Author