Photo courtesy |

Repetek News

Team

PUERTO PRINCESA CITY — Naaksidente sa bahaging kurbada ng kahabaan ng Sitio San Carlos, Barangay Bacungan sa nabanggit na lungsod, ang isang topdown na pauwi sana ng bayan ng Roxas, Palawan, bandang alas-kuwatro nang hapon ngayong araw, Linggo, Hulyo 28.

Sa panayam ng

Repetek News

sa isa sa kakilala ng mga biktima, nasa impluwensiya umano ng alak ang apat (4) na sakay ng naturang topdown kaya’t naaksidente ang mga ito.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang tatlong mga biktima na nagtamo ng minor injuries.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga sangkot sa aksidente.