PUERTO PRINCESA CITY โ€” Personal na tinanggap ni Mayor Gerandy B. Danao ang parangal at pagkilala para sa Lokal na Pamahalaan ng Narra ang 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang parangal ay pinangunahan ni DILG Provincial Director Virgilio Tagle na ginanap sa Mayorโ€™s Office Conference Room ng naturang bayan nitong ika-14 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang parangal at pagkilala ay nakamit ng LGU Narra dahil sa katapatan at kahusayan sa pagsunod sa mga panukalaโ€™t pamantayan ng Kagawaran at pamahalaang nasyunal.

Ang naturang kaganapan ay dinaluhan nina Executive Assistant I/Acting Municipal Administrator Mr. Edmond B. Gastanes , SB Member Hon. Felipe L. Argueza Jr., Mr. TED S. GUIAN ng MLGOO, Engr. Reynald Ladiana, MEO Department Head at iba pa.