Photo courtesy | Munisipalidad ng Narra

PUERTO PRINCESA CITYโ€” Pinangunahan ni Narra Mayor Gerandy Danao ang Ground Breaking ceremony ng itatayong Solar Street Lights nitong nakalipas na ika-16 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang proyektong Solar Street Lights

ay pinondohan sa halagang 8.4 milyong piso na nagmula sa 20% Municipal Development Fund (MDF) na nakatakdang itayo sa iba’t ibang barangay ng naturang bayan.

Habang sa Enero 3, taong 2025, maisasakatuparan naman ang nabanggit na proyekto.

Samantala, kasama rin sa nasabing seremonya sina Executive Assistant I/Acting Administrator Edmond B. Gastanes, Engr. Reynald Ladiana, MEO Department Head at iba pang department heads.