Nagsagawa ng gift giving ang Brooke’s Point OFW Organization (BPOO) sa mga katutubong residente ng Sitio Cabangaan, Barangay Samariñana, Brooke’s Point, Palawan.

Tema nito ang “Maging Daan Ng Tulong Mula Sa May Kakayahan Tungo Sa Mga Nangangailangan”.

Ang munting regalo ng BPOO ay naghatid ng ngiti at saya sa mga katutubong Palaw’an at iba pang mga benepisyaryong nakatira sa kabundukan.

Ang naturang charity mission ay suportado ng Local Government Unit (LGU) Brooke’s Point.

Inaasahan naman sa susunod na buwan ay muling isasagawa ang BPOO charity mission sa iba pang lugar ng naturang munisipyo.