Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • National and International
  • Bagong Visa Application Center, karagdagang mga serbisyo sa konsulado, inilunsad ng Embahada ng Estados Unidos
  • Community
  • Headlines
  • National and International

Bagong Visa Application Center, karagdagang mga serbisyo sa konsulado, inilunsad ng Embahada ng Estados Unidos

Vivian Bautista September 10, 2024 3 minutes read
us embassy

PUERTO PRINCESA CITY — Simula Setyembre 28, ngayon taon ay maaari nang ma-access ng mga mamamayan ang bagong Visa Application Center o VAC na inilunsad ng United States Embassy na matatagpuan sa Parqal Building 8, Level 3, Diosdado Macapagal Boulevard, Barangay Tambo, Lungsod ng Parañaque.

Ayon sa embahada, maliban sa VAC ay maglulunsad din sila ng updated na visa appointment system at pagpapalawak ng mga serbisyong call center sa mga mamamayan ng Estados Unidos sa bansa.

Simula sa ika-28 ng buwan, ang mga aplikanteng naghahanap ng appointment para sa pag-apply ng visa imigrant o hindi, ay kinakailangang magpaiskedyul ng hiwalay na appointment sa visa application center para sa pagkuha ng larawan at pag-scan ng fingerprint bago ang kanilang panayam sa U.S. Embassy sa Roxas Boulevard.

Ang pag-iskedyul ay gagawin sa pamamagitan ng bagong disenyong online system appointment. Para naman sa mga aplikanteng nakapagpa-iskedyul na ng interview bago ang September 28 ay hindi sila maaapektuhan ng pagbabagong nabanggit.

Dagdag dito, maaari rin silang direktang tumungo sa kanilang appointment sa Embahada. Para naman sa mga aplikanteng may mga kasalukuyang account sa kasalukuyang sistema ng appointment sa visa ay kakailanganing mag-sign in sa bagong system gamit ang kanilang nakarehistrong email addresses upang makuha ang kanilang user profile, kopya ng mga resibo ng pagbabayad, at impormasyon ng appointment.

Ang VAC ay mag-aalok ng mga appointment slot mula 7:00 a.m. hanggang 4:00 p.m., Lunes hanggang Biyernes, at mula 7:00 a.m. hanggang 11:00 a.m. tuwing Sabado.

Walang appointment na kailangan para sa mga aplikante na gustong kunin ang kanilang mga pasaporte o mag-drop off ng mga aplikasyon para sa waiver visa interview at iba pang mga kinakailangang dokumento mula 7:00 a.m. hanggang 4:00 p.m., Lunes hanggang Biyernes.

Ang bagong online appointment system ay magtatampok ng secure at user-friendly interface para sa mga aplikante ng visa at magiging available sa Setyembre 28 sa ustraveldocs.com/ph.

Samantala, bukod pa rito, maglulunsad din ang U.S. Embassy ng call center para sa mga customer na may pangkalahatang non-emergency na mga katanungan sa American Citizen Services (ACS).

Ang mga mamamayan ng U.S. ay maaaring tumawag sa mga consular hotline sa (+632) 7792-8988 o (+632) 8548-8223, o (703) 520-2235 para sa mga tumatawag sa United States, na may mga tanong ukol sa pasaporte, pagkamamamayan, at notaryo sa serbisyo.

Ang mga update tungkol sa mga pagbabagong ito ay ipo-post sa website ng U.S. Embassy (ph.usembassy.gov) at sa Facebook page ng Embassy (facebook.com/USEmbassyPH/) at X account (@USEmbassyPH).

Maglulunsad din ang embahada ng bago at maayos website at electronic mail na ustraveldocs.com/ph/en/american-citizens-services at [email protected]) para sa mga serbisyong nakapaloob sa ACS sa darating na Setyembre 28.

About the Author

Vivian Bautista

View All Posts

Post navigation

Previous: Kauna-unahang gov’t hospital-based Hemodialysis sa rehiyon 4B, matatagpuan sa Culion
Next: “Rehistro Bulilit Campaign”, inilunsad ng PSA Palawan

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.