Photo courtesy | Roxas MSWDO

PALAWAN, Philippines — Dahil sa walang patid na buhos na ulan sa ilang bayan sa lalawigan ng Palawan sanhi ng habagat at bagyo sa mainland Luzon, patuloy ang isinasagawang monitoring ni Mayor Dennis Sabando sa mga evacuation centers sa bayan ng Roxas ngayong araw.

Layunin ng monitoring na masusing bantayan ang kalagayan ng mga lumikas upang matiyak ang kanilang mga pangangailangan at makumpirma ang kaayusan at kaligtasan ng mga residente.

Ayon sa lokal na pamahalaan, regular na isinasagawa ang monitoring activity at mga napapanahong interbensiyon upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga residenteng naapektuhan ng kasalukuyang kalamidad.