PHOTO//PROGRAMANG MALASAKIT SA MGA LAYLAYANG KOMUNIDAD NG CULION

Ni Vivian R. Bautista

KATUWANG ang Municipal Administrator’s Office, muling namahagi ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Culion sa mga Indigenous Peoples (IPs) sa kanilang bayan na isinagawa nitong ika-22 at 23 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Nabahaginan ng Food Packs at Rice Subsidy ang nasa dalawandaang (200) pamilyang katutubong Tagbanua na nagmula pa sa iba’t ibang mga lugar na kinabibilangan ng Sitio Berg, Barangay Binudac, Sitio Matalbong, Barangay Malaking Patag, Sitio Pinutukan, Sitio Demipac, at Barangay Galoc.

Layunin ng Programang Malasakit na mabigyan ng tulong at aksyon ang mga nasabing benepisyaryo katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Culion nang sa gayon ay mabigyan sila ng tunay at tapat na serbisyong publiko pagdating sa kanilang mga hinaing.