Photo courtesy | REPETEK News

Ni Samuel Macmac

INIHAHANDOG ng ABS-CBN Network at Dreamscape Entertainment ang bagong seryeng “Saving Grace” na aabangan ng mga manunuod tampok ang mga tourist attractions sa lungsod ng Puerto Princesa.

Nagsimula nang mag-shooting ang ABS-CBN production team ng nasabing serye na pinagbibidahan nina Sam Milby, Zianah Elise Bataan, at ang muling pagbabalik on-screen ni Julia Montes matapos ang mahabang panahon ng pagpapahinga sa showbiz.

Kasalukuyang isinasagawa ang dalawang araw na taping para sa mga eksena ng nasabing serye na nakatakdang umere sa darating na buwan ng Nobyembre na kung saan kabilang sa pinagdausan nito ang Puerto Princesa Baywalk.

Ang ipo-produce na seryeng “Saving Grace” ay Philippine adaptation ng highly acclaimed na Japanese series Mother, na mabenta sa takilya sa iba’t ibang bansa.

Ang kuwento ay patungkol sa pagsagip ni Julia Montes bilang Anna sa batang si Zianah bilang Grace na nakararanas ng kapabayaan sa kanyang tunay na ina.

Kasama sa serye sina Mega Star Sharon Cuneta, Janice De Belen, Christian Bables, Jessica Garcia.

Samantala, tumanggap ng mainit na pagtanggap ang buong cast ng Saving Grace sa welcome reception ng City Tourism Office ng Pamahalaang Panglungsod sa kanilang pagdating sa Puerto Princesa International Airport nitong ika-26 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Author