Photo courtesy | Palawan Island Network

Nasawi ang 13-anyos na binatilyo matapos magtamo ng 2nd degree burn sa kaniyang katawan sa naganap na sunog sa Brgy. Maunlad nitong hapon ng Martes, Nobyembre 19.

Kinilala ang biktimang si Clarence Lamonte, ulila sa ama’t ina, at estudyante ng Palawan National School.

Ayon sa mga kaanak, natutulog ang biktima nang mangyari ang insidente at nagising na lamang nang maramdamang nasusunog ang katawan nito.

Isinugod naman sa Ospital ng Palawan ang biktima matapos malapnos ang buong ang katawan, ayon kay Zhang Ancheta.

Ngunit ngayong umaga, binawian ng buhay ang biktimang si Clarence Lamonte ayon sa kaniyang mga kaanak.

Author