Barangay Fiesta Promo ng PPCWD, ikinasa ngayong Nobyembre
Magkakaroon ng Barangay Fiesta Promo ang tanggapan ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) sa apat na Barangay sa lungsod ngayong buwan ng Nobyembre 2024.
Ikakasa ang nasabing pa-fiesta promo sa Bgy. Binduyan, Bgy. San Manuel, Bgy. Liwanag, at Bgy. Milagrosa.
Ayon sa ahensiya, ang mga residente ng nasabing barangay ay maaaring makapag-apply ng bagong water service connection at makapag-avail ng diskuwento sa Administrative Fee na nagkakahalaga ng ₱1,430.00.
Kinakailangan lamang mag-submit ng mga kinakailangang dokumento sa tanggapan ng PPCWD main office, Brgy. Sta. Monica lungsod ng Puerto Princesa, mula araw ng Lunes hanggang araw ng Biyernes, sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Ang nasabing promo ay valid para sa buong buwan ng Nobyembre.