Bukas na gaganapin ang 2024 Batang Pinoy National Championship Games na dadaluhan ng libu-libong mga manlalarong Pilipino mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Kabuuang tatlumpu’t tatlong mga laro ang inilatag ng Philippine Sports Commission na magtatagal ng limang araw simula Nobyembre 23 hanggang ika-28 ng buwan.
Ayon sa detalye, nakatakdang magbubukas ang palaro bukas, araw ng Sabado, sa ganap na alas-tres ng hapon.
Magkakaroon naman ng parade of athletes sa Ramon V. Mitra Sports Complex na dadaluhan ni na DILG Secretary Juanito Victor Remulla at DepEd Secretary Juan Edgardo Sonny Angara.