Ni Lars Rodriguez

Pinangunahan nina Municipal Mayor Mark Delos Reyes at Vice-Mayor Edwin Timbancaya ang ground breaking ceremony ng konstruksiyon ng Food Park Phase II sa bayan ng Cuyo, Palawan, nitong araw ng Huwebes, Nobyembre 21.

Matatagpuan ang nasabing proyekto sa baybayin ng Barangay Tenga-Tenga at pinaniniwalaang dagdag atraksyon ng naturang bayan.”Hindi ito para sa iisang tao lamang bagkus ito ay para sa ating lahat,” pahayag ni Delos Reyes sa mga dumalong sa seremonyas ng proyekto.

Dumalo rin sa kaganapan ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Department Heads ng lokal na pamahalaan.

Author