Ni Ven Marck Botin
INANUNSIYO ng Department of Tourism (DOT) ng bansa na kasama ang Pilipinas, Cebu, at lalawigan ng Palawan sa tatlong (3) kategorya na pinagbobotohan sa ilalim ng 22nd Wanderlust Reader Travel Awards ng Wanderlust Travel Magazine, ang longest-running travel magazine ng United Kingdom.
“Let your voice be heard! Cast your vote for our country and its lovely destinations…” paghihikayat ng DOT Philippines sa sambayang Pilipino.
Sa Facebook post, kinumpirma ng ahensya na nominado ang bansa sa tatlong kategorya, ito ang: ang Pilipinas bilang Most Desirable Country (Rest of the World); Cebu bilang Most Desirable Region (Rest of the World); at lalawigan ng Palawan bilang Most Desirable Island (Rest of the World).
Photo//DOT Philippines
Hinikayat din ng DOT Philippines na botohin ang Pilipinas bilang Most Desirable country sa mga sumusunod: Adventure, Nature and Wildlife, Culture and Heritage, Gastronomy, at Sustainable Experience.
“et’s showcase our collective love for the Philippines by visiting these links here: bit.ly/3Cywha4” saad ng ahensya.