PHOTO//MAYOR EMIL NERI FB PAGE

Ni Ven Marck Botin


IBINALITA ni Mayor Emil Neri na magkakaroon na ng Fire Truck ang bayan ng Linapacan, Palawan matapos pagbigyan ang kaniyang โ€˜requestโ€™ na magkaroon ng trak na pamatay-sunog sa nasabing bayan.

โ€œSa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon na ng trak na pamatay-sunog ang Linapacanโ€ ani Mayor Neri.

Aniya, ito ay kaniyang hiniling sa pamunuan ng Bureau of fire Protection (BFP) kamakailan upang magkaroon ng fire truck na magagamit sa kanilang bayan.

Dagdag ng alkalde, mismong si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr ang nag-abot ng ceremonial key sa ginanap na seremonya sa main office ng BFP sa Metro Manila kamakailan.