Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Environment & Tourism
  • Buena Mano: 4 luxury cruise ships, inaasahang darating sa Lungsod sa Enero
  • Environment & Tourism
  • Metro Puerto
  • National and International

Buena Mano: 4 luxury cruise ships, inaasahang darating sa Lungsod sa Enero

Repetek News

December 29, 2024 2 minutes read
Buena Mano: 4 luxury cruise ships, inaasahang darating sa Lungsod sa Enero

Photo courtesy | Samuel Macmac

KAPANA-PANABIK ang inaasahang pagdating ng apat na luxury cruise ships sa Puerto Princesa sa buwan ng Enero 2025 na magdadala magandang simula para sa masiglang ekonomiya ng lungsod.

Batay sa inisyal na impormasyong, nakalap ng

Repetek News

, lulan ng mga luxury cruise ships ang libu-libong turista mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na bibisita sa mga tanyag na atraksyon ng lungsod sa inaasahang pagdaong ng mga ito sa susunod na buwan.

Inaasahang darating sa lungsod ang MS Noordam, AIDAstella, Norwegian Sky, at Seabourn Encore.

Ang MS Noordam ay bahagi ng Holland American Line na kilala para sa kanyang klasikal na karangyaan at world-class na serbisyo na may kapasidad na maglaman ng tinatayang 1,924 na pasahero, na inaasahang darating sa Enero 7.

Nasa 2,700 passenger capacity naman ang AIDstella na kilala sa kanyang moderno at eleganteng state-of-the-art facilities na inaasahang darating sa Enero 12.

Inaasahan din tutungo ang Norwegian Sky na isang luxury cruise ship ng Norwegian Cruise Line, na may kapasidad na maglaman ng 2,004 na pasahero. Ang nasabing cruise ship ay kilala sa elegant interiors, maraming iba’t ibang makakainan na mapagpipilian, at recreational activities, na inaasahang dadaong naman sa Enero 15.

At ang Seabourne Encore na isang luxury cruise ship ng Seabourn Cruise Line na may passenger capacity na 604. Ito ay kilala sa kanyang exclusive oceanfront suites at world-class ameneties.

Samantala, dumating kahapon sa Puerto Princesa ang MV Silver Dawn na may kapasidad na maglaman ng aabot sa hanggang halos 700 pasahero habang kasalukuyan naman nakadaong sa pier ng lungsod ang MV Norwegian Spirit matapos bumisita sa Coron, Palawan nitong Disyembre 27, at ikatlong beses naman kahapon sa Boracay ngayong taon.

Ang mga libu-libong turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo na sakay ng mga luxury cruise ships na ito ay nagkakaroon ng pagkakataong tuklasin ang kagandahan at matikman ang masasarap na pagkain sa lungsod, na magpapasigla sa industriya ng turismo.

Author

  • Repetek News

    View all posts

About the Author

Repetek News

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: Nakamamatay ang paputok, huwag gumamit!
Next: 90% ng mga pinoy, puno ng pag-asa sa bagong taon

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.