Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • National
  • Higit P314m Lotto jackpot prize, napanalunan na
  • National

Higit P314m Lotto jackpot prize, napanalunan na

Repetek News

January 6, 2025 2 minutes read
lotto

Isang mananaya na naman ang magsisimula ng magandang buhay ngayong bagong taon matapos mapanalunan ang kabuuang ₱314,591,292.80 jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58.

Masayang inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na maswerteng nahulaan ng isang mananaya ang tamang winning combination numbers na 36, 46, 16, 19, 23, 27 na binola kagabi ika-5 ng Enero, taong kasalukuyan.

Base sa impormasyon, ang lotto winner ay tumaya sa Lucky Circle Corporation, SM Megamall, Mandaluyong.

Kabilang ang nasabing mananaya ng lotto sa mga naging instant milyonaryo matapos ang sunud-sunod na pagkakapanalo ng milyun-milyong papremyong handog ng PCSO ilang araw bago at pagtapos magpalit ng taon.

Kamakailan, nanalo ang isang mananaya ng higit P18 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 nitong Enero 2 na tumaya naman sa Sta. Barbara, lungsod ng Iloilo.

Mega winner din ang mananaya na mag-isang napanalunan ang higit P57 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 nitong Enero 1 ng Barangay Santol, lungsod ng Quezon.

Paghahatian naman ng dalawang maswerteng mananaya ang jackpot prize na higit P25 milyong papremyo ng Lotto 6/42 nitong ika-31 ng Disyembre, 2024, na tumaya naman sa Naga City, Camarines Sur at Lucena City, Quezon.

Tumaya naman sa Legaspi, Albay ang isang mananaya na napanalunan naman ang higit P202 milyon nitong ika-29 ng Disyembre, 2024.

Bago naman sumapit ang pasko, napanalunan ng isang mananaya ng higit P15 milyong jackpot prize nitong ika-24 ng Disyembre, 2024 mula Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Author

  • Repetek News

    View all posts

About the Author

Repetek News

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: Mga negosyanteng nais magre-new ng kanilang buss. permits sa Lungsod ng Puerto Princesa, dumagsa sa City Hall
Next: Natutulog na lalaki, sinaksak, patay

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
News Page (4)
  • Headlines
  • National
  • Palawan Affairs

Iba kayo, Andes at Garzon!

Repetek News

September 19, 2025
504845001_1021707196803522_5340948637309647892_n
  • Community
  • Headlines
  • Health
  • National
  • National and International

Gamot at ospital, pangunahing suliranin sa Balabac; military bases, itatayo roon

Ven Marck Botin June 10, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.