Nagsagawa ng libreng pagbabakuna laban sa trangkaso ang Iwahig Health Center sa mga senior citizen, mga sanggol, at mga kawani ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) nitong Martes, Enero 14.
Ang nasabing hakbang ay suportado ni IPPF Superintendent Gary Garcia at Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., na naglalayong maprotektahan ang mga mahihinang populasyon mula sa trangkaso at mga komplikasyong hatid nito.
Binigyang-diin ng presensya ni Superintendent Garcia ang kahalagahan ng pagbabakuna at preventive healthcare kung saan nagpabakuna ito bilang tanda ng suporta sa nasabing hakbang.
Kaugnay rito, napakahalaga ng pagbabakuna dahil nakatutulong ito na protektahan ang mga indibidwal at buong komunidad mula sa malubha at potensyal na nakamamatay na mga sakit. |