Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Metro Puerto
  • Insentibo para sa mga Purok President, isinusulong ng isang kagawad
  • Metro Puerto
  • Politics

Insentibo para sa mga Purok President, isinusulong ng isang kagawad

Clea Faye Cahayag January 28, 2025 2 minutes read
475084632_652569774095396_2677451731383067366_n

Photo courtesy |

Repetek News

ISINUSULONG ni City Councilor Luis Marcaida lll ang isang panukalang ordinansa na naglalayong magbigay ng insentibo sa lahat ng purok president sa lungsod ng Puerto Princesa.

Sa panukala, nakasaad ang pagbibigay ng isanlibong pisong (P1,000) cash incentives kada buwan sa mga presidente ng purok.

Sa panayam kay Marcaida, ito ay hindi ‘sahod’, sa halip isang allowance para sa nabanggit na indibidwal bilang pagbibigay halaga sa kanilang mga gampanin para mapabuti ang kanilang mga nasasakupan.

Aniya pa, ang mga purok president ay madalas gumagawa ng mga tungkulin ng walang sapat na benepisyo.

“Dati akong Kapitan ng Barangay Bancao- Bancao kaya alam ko ‘yung damdamin ng mga purok president na medyo talagang kapag may mga piyesta ‘yan bumubunot ng sariling pera ‘yan.

Pupunta sa mga opisyales ng barangay, sa mga opisyales ng city ‘pag may mga activities sila, wala silang mga pamasahe so alam ko po ang hirap ng mga purok president kaya ito ang nagtulak sa akin,” pahayag nito sa lokal midya.

Ang SDO No. 154-2025 na may titulong “An ordinance granting a monthly cash incentive of one thousand pesos (P1,000) to all Purok Presidents in the city of Puerto Princesa and appropriating funds thereof” ay nasa unang pagbasa pa lamang at ini-refer sa komite ng appropriations para pag-usapan.

Umaasa naman ang may akda na ito ay papaboran ng kaniyang mga kasamahang Konsehal, ng City Budget Office, at ni Punong Lungsod Lucilo Bayron.

“Kaka-introduce pa lang ngayong sesyon, so iri-refer pa sa komite ‘yan at magkakaroon pa ng deliberation.

Medyo uphill battle pa ito dahil siyempre ‘yung budget, yung appropriation. So, hopefully ay ma-approved po ito,” ayon pa sa Kagawad.

About the Author

Clea Faye Cahayag

Author

View All Posts

Post navigation

Previous: Update sa Flood Control Project ng City Government, inilatag
Next: 40k magniniyog sa Palawan, rehistrado na

Related News

FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025
2
  • Headlines
  • Metro Puerto
  • Police Report

Nahulog sa ginagawang kalsada?

Repetek News

August 21, 2025
ctmo
  • Headlines
  • Metro Puerto

‘Best practices’ ng ibang LGUs, nais matutunan ng city gov’t

Clea Faye Cahayag June 17, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.