PUERTO PRINCESA – Isang bahay ang pinasok ng mga kawatan sa BM Road Venturillo Street II Bgy, San Manuel, lungsod ng Puerto Princesa, nitong madaling araw ng Martes, Pebrero 4.
Natangay ng mga kawatan ang dalawang cellphone na Realme 8i at Realme note 50, dalawang bags, drivers license, at national ID cards.
Samantala, ayon sa Facebook post ni Te Re, kapatid ng nanakawan, nananawagan sila na agad ipagbigay-alam kung may nakapagbenta ng mga nabanggit na mga telepono.
“Magandang araw, nanakawan po ang bahay ng kuya ko nitong madaling araw sa BM rd Venturillo II St. If any chance po na may magbenta sa inyo ng phone Realme 8i at Realme note 50, paki-inform po kami; ‘yung license po ng kuya ko nakaipit sa likod ng phone, kinuha rin pati bag ng dalawa kong pamangkin ACDI na bag gray at red na bag na gyadz, ” pahayag ni Te Re.
Kaugnay nito, nakita naman bandang alas dose ng tanghali ang dalawang bag ngunit wala nang driver’s license at national ID cards.