Contributed photo

NAGKASAGUTAN ang kampo nina Sangguniang Bayan Member Joseph Cruzat, SB Member Joel Bito-onon laban sa kampo ni Munipal Mayor Gerandy Danao nitong araw ng Martes, Pebrero 4.

Nagkainitan ang dalawang partido sa mismong public hearing sa Barangay Burirao hinggil sa mining application ng Trinity Mining Corp.

Pinasaringan ni Danao sina Bito-onon at Cruzat hinggil sa nakabinbing aplikasyon ng Redmont Consolidated Mines Corp na kaniya umanong ibinasura.

Dahil dito, nagkainitan ang dalawang panig na nauwi sa pansamantalang pagtigil ng pagdinig.

Inakusahan ni Danao ang ilang konsehal sa umano’y trucking at quarry businesses na hindi ikinatuwa ni Cruzat.

Sa magkahiwalay na post online, inihayag ni Cruzat ang kaniyang pagkadismaya at hinamon ang kampo ni Danao na patunayan ang akusasyon nito.

Author