PIO FILE PHOTO

ISA si Palawan Second District Representative Jose Chavez Alvarez sa mga Kongresista na hindi sumang-ayon sa impeachment case ng Kamara laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Kamakailan, pinabulaanan ni Alvarez ang umano’y nilulutong impeachment case ng Kongreso nang dumalo ang Kongresista sa National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo nitong nakalipas na Enero 13.

Ayon kay Alvarez, wala siyang nakuhang impormasyon na magpapatuloy ang reklamo laban sa Pangalawang Pangulo.

Aniya, kung sakaling maaprubahan man ng mababang kapulungan ang pagsibak kay Duterte, naniniwala pa rin siyang hindi uusad sa senado ang reklamo.

Samantala, kabuuang 215 na mga kongresista ang sumuporta sa impeachment complaint laban kay Duterte habang 93 naman ang hindi pumirma mula sa kabuuang 318 miyembro ng Kongreso.

Author