Photo courtesy | PS-2

Sa Irawan Police Station na nagpalipas ng gabi ang lalaking lasing na nanutok umano ng kutsilyo sa mga kabataang naglalakad sa bahagi ng Balayong People’s Park at Sta. Monica National Highway nitong madaling araw ng Miyerkules, Marso 5, ayon sa ulat ng Puerto Princesa Anti-Crime Task Force.

Kuwento ng mga kabataang complainants, bigla na lamang daw umano silang sinigawan at tinutukan ng kutsilyo ng walang dahilan ng suspek na kinilalang si alyas “Nonoy”, 36-anyos, residente ng Bgy. Sta. Monica na tubong Taytay, Palawan.

Dahil dito, dinampot si Alyas Nonoy ng mga tauhan ng Anti-Crime at dinala sa tanggapan ng Police Station 2 para sa tamang disposisyon nito.

Samantala, dinala naman sa Bgy. Hall ng Sta. Monica ang mga menor de edad na biktima

Author