Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Uncategorized
  • Usaping legal, hatid sa mga residente ng Linapacan
  • Uncategorized

Usaping legal, hatid sa mga residente ng Linapacan

Repetek News

June 5, 2025 2 minutes read
pio

LIBRENG seminar at konsultasyong legal ang hatid ng mga abogado’t kawani ng Provincial Legal Extension Services Program (PLESP) ng Provincial Legal Office (PLO) ng kapitolyo sa bayan ng Linapacan noong Mayo 28 hanggang ika-29, taong kasalukuyan.

Ayon sa ulat mula sa Provincial Information Office, ang unang araw ng oryentasyon ay iginawad sa mga Punong Barangay, Barangay Kagawad, mga opisyal, at mga kasapi ng Lupong Tagapamayapa kung saan dumalo rito ang kabuuang walumpu’t anim (86)mula sa sampung (10) mga barangay ng nasabing bayan.

Kabuuang 67 na mga kliyente naman ang nabigyan ng libreng konsultasyong legal kasama na rito ang nagawan ng mga legal documents sa ikalawang araw ng aktibidad.

Samantala, tinalakay sa dalawang araw ng aktibidad ang mga paksang Katarungang Pambarangay (KP), mga tungkulin ng Barangay Officials, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Safe Spaces Act, Anti-Trafficking in Person Act, at Republic Act (RA) 11596 o ang batas laban sa Child Marriage.

Pinangunahan ni PLESP Focal Person Atty. Mary Joy Ordaneza-Cascara ang aktibidad kasama ang mga abogado ng Tanggapan ng Provincial Legal na sina Atty. Christine N. Aribon, Atty. Azel Faith G. Fajarito, at Atty. Precious Joy D. Pacionela ng Office of the Governor na nagrepresenta ng Integrated Bar of the Philippines Palawan Chapter.

Nakibahagi naman sina MLGOO Il Eden Cayao ng DILG-Linapacan at Jayson Padin ng Department of Migrant Workers para sa usapin patungkol sa “Katarungang Pambarangay” at Trafficking in Persons.

Ayon pa sa Tanggapan ng Provincial Information, ang bayan ng Linapacan ang ika-labinsiyam na munisipyo na nabigyan ng mga serbisyong legal. Nilalayon ng PLESP na maihatid nang personal ang mga serbisyong legal sa lahat ng munisipyo sa lalawigan ng Palawan.

Author

  • Repetek News

    View all posts

About the Author

Repetek News

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: HIV cases sa bansa, tumaas ng 500 porsyento
Next: Most wanted na alyas “toto”, nasakote

Related News

Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
download
  • Uncategorized

Pagbaba ng singil sa kuryente, nilagdaan

Repetek News

September 19, 2025
1
  • Uncategorized

Hiling para sa public cemeteries, perimeter walls, 2 funeral vans

Repetek News

August 20, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.