Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Uncategorized
  • Hinihinalang tulak ng droga, timbog sa buy-bust op
  • Uncategorized

Hinihinalang tulak ng droga, timbog sa buy-bust op

Repetek News

June 5, 2025 1 minute read
PS4

Photo courtesy: Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Station 4

Timbog ng mga kawani ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Police Station 4 ang tatlong (3) mga kalalakihan na hinihinalang tulak umano ng droga nitong gabi ng Miyerkules, Hunyo 4, taong kasalukuyan.

Bumagsak sa mga kamay ng awtoridad ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Bgy. Macarascas sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas na “Ernesto”, 23-taong gulang, alyas “Jomar”, 19-taong gulang, at alyas “Junrey”, 18-taong gulang, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa detalye mula sa mga kapulisan, nabili umano sa mga suspek ang isang sachet ng crystalline substance na pinaniniwalaang “shabu” na nagkakahalaga ng isanlibong piso (P1,000.00).

Dagdag dito, nakumpiska rin sa mga suspek ang anim (6) pang mga pakete na naglalaman din ng ipinagbabawal na gamot.

Kasalukuyan namang nasa kostudiya ng pulisya ang tatlong mga suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, mahigpit na ipinababatid sa publiko na iwasan ang iligal na droga dahil sa masamang epekto nito sa tao at kalusugan.

Author

  • Pong Idusora
    View all posts

About the Author

Pong Idusora

View All Posts

Post navigation

Previous: Most wanted na alyas “toto”, nasakote
Next: Makulay na float parade, malapit na

Related News

Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
download
  • Uncategorized

Pagbaba ng singil sa kuryente, nilagdaan

Repetek News

September 19, 2025
1
  • Uncategorized

Hiling para sa public cemeteries, perimeter walls, 2 funeral vans

Repetek News

August 20, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.