Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Uncategorized
  • Produksyon ng yamang-dagat sa Palawan, napaunlad: Kapitolyo
  • Uncategorized

Produksyon ng yamang-dagat sa Palawan, napaunlad: Kapitolyo

Repetek News

June 6, 2025 2 minutes read
494714199_24075865532006728_1267000697350302759_n

Kuhang larawan mula kay Mary Rose Pangadlo

Patuloy ang pag-angat ng produksyon ng iba’t ibang yamang-dagat sa lalawigan sa kabila ng mga hampon sa pangisdaan.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong ika-28 ng Mayo, taong kasalukuyan, nakapagtala ang Palawan ng 5.7 porsyentong bahagyang pagtaas sa produksyyon ng mga yamang-dagat noong taong 2024 kumpara sa taong 2023.

Umabot sa 409,683.17 metric tons ang kabuuang produksyon ng mga yamang dagat sa lalawigan, mas mataas kumpara sa 387,000 metric tons na naitala noong 2023.

Batay sa impormasyon ng Fisheries Production Report para sa rehiyong MIMAROPA, umabot sa 91.6 porsyento ang naging kontribusyon ng Palawan sa produksyon ng yamang-dagat sa rehiyon at nasa 10.1 porsyento naman ang naibigay na produksyon ng lalawigan para sa buong bansa.

Ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, resulta ng mas pinaigting na mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagtaas ng produksyon na kung saan natulungan din ang kabuhayan ng mga mangingisda at tinitiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa lalawigan.

Ilan sa mga pangunahing marine resources na naitalang may mataas na produksyon sa Palawan ang lato, at iba pang seaweeds, galunggong, alumahan, gulyasan, sapsap, talakitok, tulingan, posit, dalagang-bukid, matangbaka, alimasag at bisugo.

Itinuturing ng Pamahalaang Panlalawigan na patuloy na umuusad ang sektor ng pangisdaan dahil sa pinahusay na estratehiya para sa food security at economic stability ng mga mamamayan.

Author

  • Samuel Macmac
    View all posts

About the Author

Samuel Macmac

View All Posts

Post navigation

Previous: Programang pangkalusugan sa Narra, pinalalakas
Next: Binatang most wanted, himas-rehas

Related News

Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
download
  • Uncategorized

Pagbaba ng singil sa kuryente, nilagdaan

Repetek News

September 19, 2025
1
  • Uncategorized

Hiling para sa public cemeteries, perimeter walls, 2 funeral vans

Repetek News

August 20, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.