Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Uncategorized
  • Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training
  • Uncategorized

Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training

Repetek News

June 6, 2025 2 minutes read
503321037_1184575323681395_6611014255227559223_n

INAASAHANG mas mapapalakas ang pagtugon ng lalawigan ng Palawan sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) awareness at prevention gayundin ang pagbibigay ng inklusibong serbisyo sa lahat sa pamamagitan ng Community-Based HIV Screening o CBS.

Sa patuloy na pagisiskap ng Provincial Health Office (PHO) ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Ugat ng Kalusugan at mga ospital sa lalawigan, mas pinaiigting ang kakayahan ng healthworkers at voluntary workers sa pagsusuri ng HIV, partikular na sa mga taong nagdadalawang-isip na magpa-test sa mga health facilities.

Isang mahalagang hakbang ang CBS sa pagsubaybay sa mga kaso ng HIV upang matulungan ang mga pasyente na makakuha ng tamang paggamot at impormasyon. Pinahihina ng nasabing sakit ang immune system ng isang tao, dahilan upang maging mas madaling kapitan ng iba’t ibang sakit.

Sa tala ng HIV/AIDS Surveillance Report sa unang kwarter ng 2025, may kabuuang 148,831 kaso ng HIV sa bansa.

Sa unang tatlong buwan ng taon, umabot na sa 5,101 ang bagong kumpirmadong kaso, mas mataas ng 50 porsyento kumpara sa 3,409 sa kaparehong panahon ng 2024.

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) na may 57 bagong kaso ng HIV ang naitatala kada araw sa mga buwan ng Enero hanggang Marso 2025, mas mataas ng 55 porsyento kumpara sa 37 naitatalang bagong kaso sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.

BASAHIN: HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Sinabi naman ni Dra. Labrador sa

Repetek News

na may mga Community-based HIV Screening at PICT trained health workers ang lahat ng municipal health office sa lalawigan.

“We also encourage our PTB patients as well as pregnant women to have themselves tested for HIV. We also incorporate HIV lectures in our Adolescent Health Program,” saad niya.

Batay sa mga eksperto, umaabot naman ng hanggang sampung taon bago makitaan ang isang tao ng mga senyales ng pagkakaroon ng HIV.

Author

  • Samuel Macmac
    View all posts

About the Author

Samuel Macmac

View All Posts

Post navigation

Previous: Pagsusuot ng facemask vs. Mpox sa San Miguel, binawi ng kapitan
Next: Baragatan Festival, pormal nang binuksan

Related News

Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
download
  • Uncategorized

Pagbaba ng singil sa kuryente, nilagdaan

Repetek News

September 19, 2025
1
  • Uncategorized

Hiling para sa public cemeteries, perimeter walls, 2 funeral vans

Repetek News

August 20, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.