PHOTO//PPSRNPWHS

Ni Ven Marck Botin

“Save the Bays clean-up drive”, isinagawa sa Brgy. Mandaragat, Lungsod ng Puerto Princesa, kaninang umaga, araw ng Sabado, ika-15 ng Hulyo 2023, na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya, volunteers, City Leaders, at iba pa na sama-samang nagtulungan upang linisin ang baybayin ng nabanggit na barangay.

Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng Puerto Princesa Subtarranean River National Park & World Heritage Site (PPSRNPWHS) sa mga dumalo at tumulong para maging matagumpay ang naturang proyekto.

“With their unwavering commitment and boundless energy to transform the shores of the beautiful Puerto Princesa bays into a pristine paradise once again.”

“Together, we are making a difference, one piece of litter at a time,” pahayag ng tanggapan ng Puerto Princesa Subterranian River & World Heritage Site.