Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Community
  • Police Report
  • Basketball team ng Aborlan, ninakawan
  • Headlines
  • Police Report

Basketball team ng Aborlan, ninakawan

Ven Marck Botin June 7, 2025 2 minutes read
9b4fcdcf-12d6-4dd7-93ab-e451e2b82b58

PINASOK ng mga kawatan ang sleeping quarters ng mga basketball players ng bayan ng Aborlan nitong madaling araw ng Sabado, Hunyo 7, ayon kay Councilor-elect Rafael Ortega III.

Aniya, pinasok ng ‘di pa kikilalang mga salarin ang Student Center sa Manalo Street sa Lungsod ng Puerto Princesa kung saan pansamantalang nanunuluyan ang koponan ng nasabing bayan.

“Ninakawan po [ang] Aborlan Basketball Team kaninang 3am sa Quarters namin sa Student Center sa harap ng PSU MANALO. [‘]Di po nagising ang mga players dahil sa pagod sa paglalaro para sa bayan ngunit may mga masasamang loob na mapanamantala. Nakasara po ang gate namin, naakyatan lang po, sa bakod siguro dumaan,” ani Ortega.

Ayon sa opisyal, natangay mula sa mga biktima ang limang (5) unit ng cellphone na kinabibilangan ng iPhone 15 Pro Max, iPhone 11, Samsung A15, Poco X3 GT, at Samsung Galaxy A04, gayundin ang tinatayang limanlibong piso (P5,000.00), at isang shoulder bag na pagmamay-ari ng assistant coach ng koponan.

Nakiusap naman si Ortega sa publiko na kung sakaling mapagbentahan ng mga nabanggit na item ay agad na makipag-ugnayan sa kanila.

“Baka po may magbenta sa inyo ng [iPhone] 15 Pro Max, [iPhone] 11, Samsung A15, Poco X3 GT, Samsung Galaxy A04, [Paki-inform] lang po kami agad,” saad ni Ortega.

Samantala, narekober naman ang shoulder bag sa bahagi ng Brgy. San Pedro sa tulong ng barangay tanod sa lugar. Nilalaman ng nasabing bag ang ilang SIM cards, ATM Cards, at Identification cards.

Ayon sa ulat ng Palawan Island Network, hindi naman naibalik ang SIM card na naka-install sa yunit ng iPhone 15 Pro Max.

Nakapagsumite na rin ng blotter report ang grupo sa mga kapulisan ng Puerto Princesa City Police Station 1 na kung saan ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, kabilang ang pagkuha ng CCTV footage sa crime scene, at iba pa.

Author

  • Ven Marck Botin
    View all posts

About the Author

Ven Marck Botin

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: Propaganda questions ng Tsina, sinupalpal ni Teodoro sa Shangri-La Dialogue
Next: Boarding house sa Tiniguiban, pinasok; kawatan, arestado

Related News

Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.