PHOTO//KALAYAAN LGU

Ni Vivian R. Bautista

IPINAGKALOOB ni Kalayaan Mayor Roberto Del Mundo sa awarding ceremony ang mga parangal sa mga tauhan ng Coast Guard District Palawan (CGDPAL) nitong ika-14 ng Hulyo 2023 na ginanap sa BRP Teresa Magbanua.

Ang mga pinarangalang tauhan ng CGDPAL ay ang mga na-deploy sa mga isla sa Kalayaan Island Group (KIG) na nag-alay ng kanilang serbisyo at dedikasyon sa panahon ng kanilang tungkulin.

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Mayor Del Mundo ang mga nasabing indibidwal, aniya, buong dedikasyon at propesyonalismo ang kanilang pinaglilingkuran sa mamamayang Pilipino, lalo na sa mga residente ng Kalayaan Island Group.

Pinasalamatan din niya ang mga ito sa kanilang sakripisyo at pangako sa tungkulin.

Sinabi rin ni Mayor Del Mundo na sila ang mga frontliners sa serbisyo ng mga mamamayan ng Kalayaan Island Group.

Samantala, tiniyak din ng Alkalde na patuloy umanong susuporta ang Local Government Unit ng Kalayaan sa kanilang trabaho, ayon sa Municipal Government of Kalayaan.