Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Community
  • Palawan Affairs
  • ‘BEST BARAGATAN EVER’
  • Community
  • Culture
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Repetek Entertainment

‘BEST BARAGATAN EVER’

Clea Faye Cahayag June 14, 2025 2 minutes read
Baragatan

Pinangunahan ni Gobernador Victorino Dennis M. Socrates kasama ang iba pang opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan ang pormal na pagbubukas ng Baragatan Festival 2025 sa Palawan ngayong araw ng Biyernes, Hunyo 13.

Ang kapiyestahan ay may temang “Pagtitipon ng mga nagkakaisang Palawenyo. Selebrasyon ng mayamang sining, tradisyon at kultura. Pagtatanghal ng lakas, talino, talento at produkto. Makiisa at makisaya sa Baragatan ngayong taon ng pag-asa”.

Sa mensahe ng Gobernador, sinabi nitong ang punto ng pagdiriwang na ito ay lalo pang palakasin ang ating pag-ibig at pagkakaisa upang ibahagi hindi lamang sa mga kapwa Palawenyo kundi sa buong mundo.

“Ito ay pagtitipon nating mga Palawenyo, kaibigan at kamag-anak at mga panauhin sa iba’t ibang dako ng daigdig upang ipagdiwang ang ating pagiging sambayanan.

Sambayanan tayo dahil mayroong tayong pagkakaisa bilang Palawenyo, nagkakaisa dahil pinagbuklod ng pag-ibig—pag-ibig sa isa’t isa at sa kabutihang panlahat,” ani Gob. Socrates.

Dagdag pa ng opisyal, ngayong taon ang kanyang huling Baragatan bilang ama ng lalawigan ng Palawan kaya naman itinuturing niya itong ‘Best Baragatan Ever’ ngunit binigyang-diin na dapat tuwing ipinagdiriwang ang naturang festival ito ay maging ‘Baragatan Ever’ —humihigit o lumalagpas sa kahusayan ng nakaraang sinusundan.

Pahayag pa ng Gobernador, nawa’y maging panahon din ito ng pagpapatawad at paghilom ng mga sugat na tinamo sa nagdaang halalan.

Hiningi rin nito ang patuloy na panalangin para sa kabutihan ng ating mga pinuno sa pamahalaan para rin sa kabutihang panlahat ng ating sambayanan.

Sa huli, nagpasalamat si Gob. Socrates sa patuloy na suporta at pakikilahok ng mga Palawenyo sa taunang pagdiriwang ng Baragatan Festival.

Author

  • Clea Faye Cahayag
    View all posts

About the Author

Clea Faye Cahayag

Author

View All Posts

Post navigation

Previous: Naipit na Otter, na-rescue sa San Manuel
Next: Palawan, makararanas ng mga biglaang pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat ngayong araw

Related News

1783420619185
  • Palawan Affairs
  • Police Report

ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN

Repetek News

July 7, 2026 0
1783425680666
  • Palawan Affairs
  • Police Report
  • Regional News

MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE

Repetek News

July 7, 2026 0
Copy of Copy of REPETEK NOVEMBER 2024 (1)
  • Community
  • Environment & Tourism
  • Headlines
  • Regional News

Locally extinct na Philippine Deer, muling nasilayan

Repetek News

March 22, 2026

Recent Posts

  • KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN
  • MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE
  • Locally extinct na Philippine Deer, muling nasilayan
  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN
  • MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE
  • Locally extinct na Philippine Deer, muling nasilayan
  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

You may have missed

KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • Metro Puerto
  • Police Report

KRITIKAL SA ROAD CRASH

Repetek News

July 7, 2026 0
1783420619185
  • Palawan Affairs
  • Police Report

ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN

Repetek News

July 7, 2026 0
1783425680666
  • Palawan Affairs
  • Police Report
  • Regional News

MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE

Repetek News

July 7, 2026 0
Copy of Copy of REPETEK NOVEMBER 2024 (1)
  • Community
  • Environment & Tourism
  • Headlines
  • Regional News

Locally extinct na Philippine Deer, muling nasilayan

Repetek News

March 22, 2026
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.