Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Weather
  • Palawan, makararanas ng mga biglaang pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat ngayong araw
  • Palawan Affairs
  • Weather

Palawan, makararanas ng mga biglaang pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat ngayong araw

Clea Faye Cahayag June 14, 2025 2 minutes read
DOST PAGASA

Photo courtesy: DOST-PAGASA

PUERTO PRINCESA CITY — Wala nang binabantayang bagyo o Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o DOST- PAGASA.

Sa ulat ni Weather Specialist Grace Castañeda ng DOST- PAGASA ngayong araw ng Sabado, Hunyo 14, bagaman wala nang mino-monitor na anumang sama ng panahon, patuloy pa rin na makararanas ng mga pag-ulan ang buong bahagi ng Mindanao at Eastern Visayas dulot ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ kaya pinag-iingat ang publiko sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

“Dito naman sa buong bahagi ng Mindanao maging sa area [r]in ng Eastern Visayas, magiging maulap po ang ating kalangitan at mayroong mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na mararanasan dulot…ng ITCZ.

Itong mga pag-ulan na ito ay posibleng [sa katamtaman] hanggang sa mga malalakas na pag-ulan kaya naman pag-iingat po para sa ating mga kababayan sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa,” ang paalala ni Castañeda.

Batay pa sa ulat, easterlies o mainit na hangin na nagmumula sa dagat Pacifico ang umiiral sa malaking bahagi ng Luzon at nalalabing lugar sa Visayas.

“Magdudulot po itong easterlies ngayong araw ng malaking tiyansa ng mga pag-ulan dito sa bahagi ng extreme Northern Luzon,” dagdag pa ng Weather Specialist. Samantala, ang lalawigan ng Palawan ay makararanas ng mga biglaang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na dulot pa rin ng easterlies. Wala na rin umanong direktang epekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa alinmang bahagi ng bansa.

Author

  • Clea Faye Cahayag
    View all posts

About the Author

Clea Faye Cahayag

Author

View All Posts

Post navigation

Previous: ‘BEST BARAGATAN EVER’
Next: Magsaysay, two-time champion sa Pantigoan sa Dalan

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025
News Page (4)
  • Headlines
  • National
  • Palawan Affairs

Iba kayo, Andes at Garzon!

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.