Babala: Maselan ang paksa
Binawian ng buhay ang menor-de-edad na lalaki nang malunod sa Samariñana Dam sa bayan ng Brooke’s Point, Palawan, nitong nakalipas na Sabado, Agosto 2.
Kinilala ang nasawi na si alyas “Jay”, residente ng Brgy. Ipilan sa kaparehong bayan.
Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, tumungo ang binatilyo sa nasabing lugar upang maligo kasama ang apat na iba pa.
Habang naliligo malapit sa tailgate ng dam, umahon ang apat sa mga kasamahan ng biktima.
Naiwan anila si alyas “Jay” na naliligo na kalauna’y napansin na nawawala na ito.
Matapos ang paghahanap, natagpuan ang biktima na nakalubog sa malalim na bahagi ng tailgate.
Ayon pa sa ulat, hindi umano agad naiahon ang biktima dahil sa lakas din ng agos ng tubig.
Gumamit ng lubid ang mga kasamahan ng biktima na itinali sa tiyan ng nito upang maiahon.
Sinubukan namang magsagawa ng CPR sa biktima para mailigtas ito.
Naisugod pa si Jay sa pagamutan ng Southern Palawan Provincial Hospital (SPPF) ngunit idineklarang dead on arrival
Tumawag sa pamunuan ng MDRRMO-Brooke’s Point upang humingi ng saklolo para sa biktima.