Sina Richell Ann M. Andes at Joseph O. Garzon ang mga panibagong topnotchers na produkto ng Western Philippines University (WPU) sa kursong Bachelor of Science in Social Work.
Pinatuyan ng dalawang WPUians ang dedikasyon ng pamantasan na makapagprodyus ng mga magagaling na manggagawang panlipunan o mga manggagawa ng gawaing panlipunan (Social Worker).
Mula sa 302 na bagong rehistradong social workers na produkto ng pamantasan, iniangat ng dalawa ang bandila ng WPU na kung saan lumapag sa ikaapat na puwesto si Andes, ang alumna ng WPU Puerto Princesa Campus, habang nasa ikapitong puwesto naman si Garzon mula sa Aborlan Campus.
Sa resulta ng September 2025 Licensure Examination for Social Workers, nakapagtala ng 90.20 percent na general rating si Andes habang 89.60 percent naman ang nakuha ni Garzon.
Sa Facebook post, nagpasalamat si Andes sa kaniyang nakuhang karangalan at sinabing “It never even crossed my mind that I would be given such a title that I can get to hold forever.” “I am constantly evaluating my progress,” aniya pa.
“Sobrang priceless ang lahat ng learnings and experiences na ibinahagi ninyo. Hoping for more aspiring future social workers you will further mold. Salute!,” pahabol ni Andes.