Photo Courtesy: PalPPO
Ni Samuel Macmac
NAARESTO ng mga kapulisan sa bayan ng Rizal, Palawan, ang isang mangingisda na kabilang sa Top 6 Most Wanted sa MIMAROPA dahil sa tatlong kaso ng panggagahasa na walang piyansa.
Matagumpay na nadakip ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO) ang suspek na si alyas “Minmin”, 25-taong gulang, Person with Disability (PWD), at residente ng Bgy. Candawaga, nabanggit na bayan.
Nahaharap siya sa tatlong kaso ng rape sa ilalim ng Anti-Rape Law of 1997 na inamiyendahan ng Republic Act 11648. Inaresto si “Minmin” sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Hunyo 24, 2026 ng Regional Trial Court na walang inirekomendang piyansa.
Pinanguhana ng Rizal Municipal Police Station (MPS) ang operasyon sa tulong ng Regional Intelligence Unit (RIU), 1st Palawan Provincial Mobile Force Company, at Rizal-MLET, kung saan nadakip siya bandang 1:30 ng hapon noong Hulyo 4 sa Purok Tigkawayanan 1, Brgy. Candawaga.
Binigyang-diin naman ni PCOL Joel D. Casupanan, Provincial Director, na paiigtingin ang police operations upang matugis ang mga indibidwal na may kinakaharap na mabibigat na kaso.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Rizal MPS ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Editor’s Note: “Blurred” ang larawan ng biktima o suspek alinsunod sa probisyon ng Data Privacy Act.
huuuy