Photo Courtesy: PalPPO
Ni Samuel Macmac
NAHULI ng pulisya at Bantay Dagat ang tatlumpu’t walong mangingisda mula lalawigan ng Occidental Mindoro nang magsagawa ng iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng San Vicente, Palawan.
Nalambat sa operasyon ang isang bangkang de-motor na may dalawang auxillary bats habang nangingisda sa ipinagbabawal na bahagi ng dagat. Nakumpiska naman mula sa 38 mangingisda ang fish finder, tatlong lambat, dalawang makina ng bangka, at limang toneladang sari-saring isda.
Kabilang sa mga naaresto ang may-ari ng bangka, piloto, maestro, at 36 na tripulante na pawang taga-Barangay Caminawit, San Jose, Occidental Mindoro.
Sa pagtutulungan ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO) at Bantay Dagat sa isinagawang operasyon sa Sitio Gawid, Brgy. Caruray nitong Hulyo 4, dinala na ang mga mangingisda sa San Vicente Municipal Police Station (MPS) para sa kaukulang disposisyon, habang ang mga nakumpiskang kagamitan ay itinurn-over sa LGU-Bantay Dagat para sa tamang disposisyon at pagbabayad ng multa.