Ni Samuel Macmac
Nagtala ang Police Regional Office (PRO) MIMAROPA ng malaking pagbaba sa mga focus crimes sa unang dalawang buwan ng pamumuno ni Regional Director PBGEN Christopher R. Dela Cruz.
Ayon sa PRO MIMAROPA, bumaba ng 48.63 porsyento ang mga naitatalang kaso mula Mayo 8 hanggang Hulyo 6 kumpara sa kaparehong panahon nong nakaraang taon.
Ang bilang ng focus crimes gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping, at motornapping ay bumaba mula 183 kaso noong 2025 tungo sa 94 kaso ngayong taon.
Bukod dito, bumaba rin ng 11.02 porsyento ang kabuuang insidente ng kimen mula 944 tungo sa 840 kaso, habang nabawasan naman ang naitalang Peace and Order Indicator (POI) crimes ng 24.68 porysento mula 624 tungo sa 470 kaso.
Naitala naman ang pinakamalaking pagbaba sa physical injury (65.22%), theft (52.27%), rape (50.91%), at murder (33.33%), kasabay ng mas kaunting kaso ng robbery at motornapping.
Samantala, binigyang-diin ni PBGEN Dela Cruz na ang mga naitalang pagbaba ng kirmen ay resulta ng pinaigting na pagpapatupad ng F.I.G.H.T. Framework at pagpapatupad ng mga estratehiya gaya ng paglalagay ng tamang bilang ng pulis sa mga lugar na may kaugnayan sa crime trends at pangangailangan ng komunidad.