PHOTO || ATTY. LOUCHIE PALANCA

Ni Samantha L. Rey

Sa isinagawang General Assembly ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Palawan Chapter ay nanumpa ang dalawamput limang (25) bagong abogado bilang miyembro noong ika-21 ng Hulyo, 2023 sa Costa Palawan Resort.

Ang panunumpa ay pinangunahan ni Executive Judge Jocelyn Sundiang- Dilig na sinaksihan ng iba pang mga huwes mula sa mga korte sa lalawigan at mga abogado mula sa ibat-ibang opisina ng pamahalaan at pribadong law offices.

Hinikayat ni Atty Susanne C. Lacson, IBP Palawan President, na suportahan ng mga miyembro ang mga proyekto upang mas maraming tao ang mabigyan ng serbisyong legal.

Ipinahayag naman ni Atty Queen Harra Sheigila Pantanosas ang kalagayang pinansiyal ng IBP Palawan at hinikayat na sundin ang gabay sa pagpataw ng bagong taripa sa mga pribadong abogado.

Samantala, masayang sinalubong ni Atty. Patrick P. Tan bilang bise presidente ang mga miyembro at siniguro ang maayos na pagsasagawa ng pagtitipon.