Photo Courtesy: PalPPO
Ni Samuel Macmac
Dalawang lalaki na may kasong paglabag sa Philippine Fisheries Code ang nadakip ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO) sa ikinasang operasyon sa nabanggit na bayan.
Pinangunahan ng Roxas Municipal Police Station (MPS) ang pag-aresto sa dalawang suspek, edad 29 at 42, kapwa residente ng Barangay 4 bandang 11:40 ng gabi nitong Hulyo 10.
Batay sa ulat, nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 95 ng Republic Act 8550 o Philippine Fisheries Code of 1988, na inamyendahan ng Republic Act 10654. May inirekomenda naman ang korte na piyansa na halagang 36,000 para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado.
Naging katuwang ng Roxas MPS sa pag-aresto sa mga suspek ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial Investigastion and Detective Management Unit, Provincial Intelligence Unit, at 2nd Special Operations Unit-Maritime Group.
Ang pag-aresto ay alinsunod sa mga warrant of arrest na inilabas noong Hulyo 8,2026 ni Presiding Judge Ronilo A. Beronio, Municipal Circuit Trual Court ng Roxas -Cagayancillo.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Roxas MPS ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.