October 2, 2026
FB_IMG_1784640315141

Repetek File Photo

Ni Albert Villamor Jr.

Pinagti-trip-an daw si Vice Ganda sa social media kasi naglalabasan ang mga photos niyang kumakain simula pa noong 2000s.

Masayang nagbigay si Vice ng kanyang saloobin habang sa kasagsagan ng pagho-host ng “It’s Showtime” na programa sa GMA noong Hulyo 10.

“Alam mo nagtataka ako lately ba’t lumalabas sa online iyong mga pictures ko na kumakain,” pag-amin ni Vice Ganda na ang totoong pangalan ay Jose Mari Viceral.

“Saan?” tanong ni Vhong Navarro kasama rin si Jhong Hilario.

“Kung saan-saan. Iyong mga luma kung pictures, iyong mga early 2000s, ang dami. Sabi ko, ‘Anong trend ‘to?!’ Hindi ko ma-explain,” sabi ni Vice Ganda na may isa pang moniker na “Meme”.

“Ayaw kong magtanong sa Twitter (X) kasi mas lalong mati-trigger, maglalabasan lalo na … nanahimik na lang … bakit ko ba sinabi?,” dagdag pa niya.

“Sabi mo ‘di ba naglalabasan na naman iyon?” sundot pa ni Vhong Navarro.

“ ‘di ba? Ang dami. Puro picture ko kumakain ng pares”, sagot ni Vice.

“Pinagtri-trip-an ako online kung anu-ano na lang trend,” dagdag pa ni Meme.

Author